Mayor Marcy Namigay ng mga Relief Goods at mga Gamot

PIO Department

2018-8-17

Share article on:

Para masigurong ligtas sa anumang sakit lalo na sa leptospirosis at may sapat na makakain ang mga Marikenyong nasalanta ng bagyong si Karding na nagdala ng labis na ulan dahilan upang bumaha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, namigay kahapon si Mayor Marcy Teodoro ng mga gamot at mga relief goods.





Kabilang sa mga gamot na pinamigay ni Mayor Marcy ay ang doxycycline prophylaxis upang agad na masolusyonan ang leptospirosis – isang sakit na nakukuha sa ihi o dumi ng hayop tulad ng daga na maaaring maipasa sa tao kung siya ay lulusong sa baha na may bukas na sugat – bago pa man ito magsimula.

Namigay rin ng relief goods si Mayor Marcy sa Brgy. Nangka upang masigurong may makakain ang mga Marikenyong hindi nakalabas ng kanilang mga bahay upang mamalengke dahil sa baha na dulot ni Karding.



Share article on: