Mayor Marcy, Pamahalaang Lungsod Laging Handa sa Panahon ng Kalamidad

PIO Department

2018-7-17

Share article on:

Kasabay ng pagtaas ng tubig sa Marikina River  ngayong araw ng Martes sa critical level, agarang inilikas ng Pamahalaan ng Lungsod ng Marikina ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa ilog sa mga evacuation centers.

Bandang 6:00 ngayong gabi, may 197 na pamilya at 1,078 katao ang nailikas sa mga evacuation centers upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Umabot na sa 16.7 meters ang tubig sa Marikina River bandang 7:00 ngayong gabi.

Bahagi na ng paghahanda ng Marikina sa panahon ng kalamidad ay ang pagtiyak ni Mayor Marcy Tedoro na nakaalerto ang buong Pamahalaan ng Lungsod upang maibigay ang pangunahing mga pangangailangan ng mga mamayan.


Dahil sa patuloy na pag-ulan at nasa critical na level ang Marikina River, idineklara ni Mayor Marcy na walang pasok bukas, Miyerkules, Hulyo 18, sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina.



Pinayuhan ni Mayor Marcy na maging handa at ligtas ang lahat sa panahon ng sakuna.

Maliban sa pagtiyak na bukas ang mga evacuation centers sa oras ng paglikas ng mga mamayan, tiniyak din ni Mayor March na maipagkakaloob ang mga pangunahing pangangailangan ng mga lumikas sa evacuation centers katulad ng gamot, pagkonsulta sa doctor, pamimigay ng dignity kits, pagkain, inumin at marami pang iba.


Pinayuhan ni Mayor Marcy ang mga lumikas na manatili sa evacuation centers hanggang hindi bumababa ang tubig sa Marikina River mula sa critical level.

Patuloy naman ang pagbibigay ng mga pinakabagong impormasyon tungkol sa taas ng tubig sa Marikina River, lagay ng panahon at iba pa ang Public Information Office at ang Rescue 161 ng City Hall. Nakahanda rin ang buong tanggapan ng Rescue 161 na tumugon sa mga emergency situations katulad ng mga aksidente.

Share article on: