Mayor Marcy Patuloy na Pinag-iingat ang mga Marikenyo

PIO Department

2020-1-14

Share article on:

Muling nag-abiso si Mayor Marcy Teodoro ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Marikina, ngayong araw ng Martes, Enero 14 dulot parin ng banta ng paglanghap ng volcanic ash sa kalusugan.


Nais ng Lokal na Pamahalaan na gamitin ng mga guro at iba pang mga staff ng paaralan ang pagkakataon ito upang malinis mabuti ang paligid ng mga eskwelahan mula sa abo at alikabok na maaaring makapagdulot ng iba’t ibang respiratory illnesses sa sinoman makakalanghap nito.


Samantala, patuloy rin ang paglilinis na ginagawa ng mga tauhan ng City Hall sa mga kalsada sa Marikina simula kahapon. Agarang nagsagawa ng flusing operation sa iba’t ibang lansangan sa lungsod upang mabawasan ang alikabok at abo dala ng hangin mula sa pagputok ng Bulkang Taal na umabot sa Marikina.




Sinuguro ni Mayor Marcy na ang lahat ng tauhan ng City Hall ay may suot na face mask higit sa lahat ang flushing crew upang hindi nila malanghap ang mga alikabok.



Ipinulong din ni Mayor Marcy ang mga pinuno at ilang kawani ng City Health Office at Rescue 161 (Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office) upang magbigay ng tagubilin kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa mga Marikenyo. 






Kabilang sa mga tagubilin ni Mayor Marcy ay ang pamamahagi ng libreng face masks na maaaring makuha sa iba’t ibang health centers sa Marikina at ang pamimigay ng information materials patungkol sa epekto ng ash fall sa kalusugan at paano mapapanatiling ligtas ang mga taga Marikina.




Patuloy na hinihimok ng Lokal na Pamahalaan ang bawat isa na mag-ingat at kung maaari ay manatili sa kani-kanilang tahanan sa kasagsagan ng ash fall.

Share article on: