Mayor Marcy Pinapaayos 45 na Multi-purpose Gyms sa Marikina

PIO Department

2018-8-7

Share article on:

Bukod sa pagpapatayo ng mga bagong multi-purpose gyms tulad ng sa IVC at Malanday, pinapaayos din ni Mayor Marcy Teodoro ang 45 na multi-purpose gyms sa anim na barangay sa Lungsod ng Marikina.

Ang mga inaayos na mga multi-purpose gym ay matatagpuan sa Concepcion Uno, kung saan 14 gyms ang pinapaganda; Concepcion Dos, 7 na gyms; Nangka 11 na gyms; Fortune 6 na gyms; Parang 4 na gyms; at, Marikina Heights 3 gyms.

Isa sa mga programa ni Mayor Marcy ay ang paghimok sa mga Marikenyo, lalo na ang mga kabataan, na maging aktibo sa sports upang mapanatiling malusog hindi lang sa pangangatawan kundi sa isipan din. Maliban dito, maiiwasan ding malulong sa masamang bisyo ang mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan, kung sila ay aktibo sa sports gaya ng basketball.




Ang mga multi-purpose gym ay pwede ring pagdausan ng mga pagpupulong at iba pang mga kaganapan ng barangay upang lalo pang maging progresibo ng mga komunidad at maging matatag ang relasyon ng mga naninirahan sa isang barangay.

Bukod dito, pwede ring gawing evacuation center ang mga multi-purpose gym sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo at sunog.

Nagpapatayo rin si Mayor Marcy ng mga bagong multi-purpose gyms katulad ng sa Industrial Valley Complex o IVC at sa Bernardo Circle, Parkland, sa Malanday.

Pinapaayos na rin ng City Hall sa pamumuno ni Mayor Marcy ang Marikina Sports Center na pinatayo noong 1970’s at naging sentro ng mga sports at entertainment activities sa lungsod, kasama na ang pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon ng Marikina tulad ng Ka-Angkan Festival.

Share article on: