Mayor Marcy Pinapaayos ang mga Lane Markings sa Lungsod

PIO Department

2019-1-28

Share article on:

Aayusin at pipinturahan muli ang mga lane markings sa iba’t ibang lugar ng Lungsod ng Marikina ayon sa tagubilin ni Mayor Marcy.

Ang pagsasaayos ng mga lane markings ay ginagawa upang maging malinaw sa mga motorista ang mga markings at upang magsilbing gabay sa kalsada. Bawal huminto o humarang ang anumang sasakyan sa loob ng junction o intersection box at hindi rin pwedeng harangan ng kahit anong sasakyan ang pedestrian lane. May ordinansa hinggil dito at may karampatang parusa ang mga susuway.


Sa mga susunod na araw ay magiging abala ang Traffic Engineering Unit ng Pamahalaang Lungsod sa pagpipintura ng mga malabo at burado ng junction boxes at pedestrian lanes sa mga sumusunod na kalsada:

- J.P. Rizal Street

- Bayan-Bayanan Avenue

- Gil Fernando Avenue

- Sumulong Highway

- Toyota Avenue

- Guerilla Street

- Shoe Avenue

- Calderon Street

- N. Roxas Street

- E. Dela Paz Street

- General Ordoñez Street

Share article on: