Mayor Marcy, Sinisiguro na Maayos ang Pagtatapos ng mga Mag-aaral

PIO Department

2019-4-8

Share article on:

Tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro na natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat isang Marikenyo.


Kabilang na dito ang pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante at ang mariing na pagpapatupad ng No Collection Policy sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod.


“Nanggaling rin ako sa public school, kung kaya’t alam ko ang nararamdaman at pangangailangan ng mga mag-aaral at mga magulang. Hindi na kailangan humingi pa, ibinasta ko na!" sabi ni Mayor Marcy.


Ilan sa mga sinagot ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ay ang mga libreng toga, toga cap, pagkain, tig-dalawang maayos na upuan at pasilidad.


Ang tulong na ito ay bilang pagsuporta ni Mayor Marcy sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ngayong taon.


Bakas sa mukha ng mga magulang at mga estudyante ang saya sa pagkakataong ito dahil bukod sa halos sinagot na ni Mayor Marcy ang lahat ng pangangailangan ng bawat isa ay sinigurado pa niya na maginhawa ang ginanap na pagtatapos upang hindi nila malimutan ang karanasang ito.


“Salamat po sa pagprovide ng mga materials kagaya ng toga, toga cap, mga upuan at sa pagsponsor ng pagkain namin. Kung hindi po dahil sainyo, kulang po iyong materials namin,” sabi ni Louver Dale Pastarana, isa sa mga nagtapos nung nakaraang linggo.


Samantala, nagpasalamat rin ang magulang ni Louver sa tulong na inabot ni Mayor Marcy dahil para sakanya, ito rin ay isang malaking tulong para sa buong eskwelahan.


Ayon naman sa Officer-in-Charge ng DepEd Marikina na si Dr. Joel Torrecampo, bukod sa tulong sa pagtatapos ng mga mag-aaral ay mayroong din mga proyekto ang Lokal na Pamahalaan para panatilihing nasa maayos na kalagayan ang bawat paaralan sa lungsod.


Ang School Repair Maintenance Group ay siyang mabilis na umaaksyon para kumpunihin ang mga sirang pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa Marikina at ayusin ang paligid ng mga ito.


Batid ni Mayor Marcy at ng kanyang administrasyon na gampanan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Kaya lubos ang kanyang pagsisikap na gawing maginhawa ang pamumuhay sa lungsod ng Marikina.

Share article on: