Mayor Marcy Sinisigurong Maayos mga Proyekto sa Marikina

PIO Department

2019-1-15

Share article on:

Sinisiguro ni Mayor Marcy Teodoro na ang mga proyekto sa Marikina tulad ng pagpapaayos ng Teatro Marikina at gusali ng OSCA (Office for Senior Citizens’ Affairs) ay maayos ang pagkakagawa.

Kaninang umaga ay pinuntahan ni Mayor Marcy at ng mga opisyales ng City Hall ang mga proyektong ito na matatagpuan sa kanto ng Shoe Avenue at V. Gomez Street sa Brgy. Sta. Elena.

Mahigpit na bilin ni Mayor Marcy sa mga kawani ng City Hall na ang mga proyekto sa Marikina ay dapat hindi basta magawa, hindi basta matapos lamang. Ang nais niya ay magawa ng maayos, maaliwalas at higit sa lahat ay magiging kapaki-pakinabang sa mga Marikenyo.


Ang Teatro Marikina ay lugar ng pagtatanghal at pagpupulong ng mga kababayan natin sa lungsod.

Samantalang ang OSCA Building naman ay pinupuntahan ng mahigit na 100,000 na mga Marikenyo upang kumuha ng kanilang mga benepisyo at serbisyo. Dito rin matatagpuan ang Marikina City Library, lugar kung saan maaring mag-research at mag-review ang mga kabataang Marikenyo. 

Share article on: