Mayor Marcy Siniyasat ang Marikina River Upang Tiyaking Ligtas mga Mamayan

PIO Department

2018-8-11

Share article on:

Personal na siniyasat ni Mayor Marcy Teodoro ang Marikina River at iba pang mababang lugar sa lungsod upang siguruhing ligtas ang mga mamayan.

Kasama ang mga opisyal ang Pamahalaang Lokal tulad ni Konsehal Jojo Banzon ay pinuntahan ni Mayor ang mga lugar na malapit sa ilog. Bukod dito ay naging abala rin si Mayor sa pangangasiwa sa command center ng Rescue 161 upang malaman ang kalagayan ng panahon at ang epekto ng walang tigil na pag-ulan sa mga Marikenyo. Sa ganitong paraan ay mas mabilis na makakaresponde ang Pamahalaang Lokal.







Tumaas ang tubig sa Marikina River at umabot sa 18.9 meters bandang alas 6:00 ngayong gabi dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng bagyong si Karding at isa pang tropical depression na nasa labas ng bansa na lalong nagpalala sa habagat. Nagkaroon na ng forced evacuation lalo na sa mga lugar na mababa dahil lagpas 18 meters na ang tubig sa ilog.




Dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog at pagbaha sa mabababang mga lugar sa lungsod, mahigit 800 na pamilya at nasa 5,000 katao na ang lumikas sa 13 evacuation centers na matatagpuan sa Malanday Elementary School, Concepcion Integrated School, H. Bautista Elementary School at Marikina Elementary School at iba pa.


Ginamit na sa mga evacuation centers ang mga bagong modular tents na magbibigay ng kaukulang privacy sa mga lumikas doon, lalo na ang mga babae at mga bata.





Dineklara rin ni Mayor Marcy na walang pasok sa lahat ng antas  sa Marikina, mapa-pribado o pampublikong paraalan, ngayong araw ng Sabado.

 

Share article on: