Mayor Marcy Sinuspinde ang Klase Bukas at sa Biyernes

PIO Department

2018-8-15

Share article on:

Dineklara ngayon ni Mayor Marcy Teodoro na walang pasok bukas, Huwebes, at sa Biyernes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina.

Narito ang pahayag ni Mayor Marcy:

Dahil sa kasalukuyang kondisyon na ang mga kalsada ay lubog pa sa putik lalo na sa mga looban, dama natin na napakarami pang pamilya sa ating lungsod, kabilang na rito ang mga mag-aaral at mga guro, ang nangangailangan ng karagdagang panahon na maisaayos ang kanilang kalagayan, makabawi sa pinsala sa kanilang mga tahanan at makapaghanda sa pagbabalik sa kanilang normal na gawain. Gayundin, sa pangangailangan na malinis, maisaayos at maihanda ang mga paaralang pansamantalang ginamit na evacuation centers sa pagbabalik eskwela, ating napagpasyahan, sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon sa Marikina, na muling suspindihin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan mula Agosto 16-17, 2018 (Huwebes at Biyernes). Lubos tayong nagpapasalamat sa tulong ng bawat isa at patuloy tayong magsama-sama sa adhikain na ibangong muli ang ating mahal na Lungsod ng Marikina.”


Muling nag-ikot si Mayor Marcy ngayong araw kasama ang mga kawani ng City Hall at ibang opisyal ng Pamahalaang Lokal upang pangasiwaan ang paglilinis sa lungsod. Tumulong mismo si Mayor sa paglilinis ng mga putik sa mga kalye.








Share article on: