Mayor Marcy Tiniyak ang Kahandaan ng mga Eskwelahan sa Lungsod

PIO Department

2019-5-27

Share article on:

Bilang nalalapit na ang araw ng pasukan ng mga estudyante, agad na ipinagutos ni Mayor Marcy Teodoro ang pagsasaayos ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.


Ilang linggo matapos ang eleksyon, agad na pinulong ni Mayor Marcy ang iba’t ibang kawani mula sa sektor ng City Engineering Department, School Repair and Maintenance Group at pati narin ang Parks Development Office.






Ito ay upang siguraduhin ang pagtutulungan ng sangay ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina at ang kanilang tuloy-tuloy na pagsasaayos ng mga pampublikong paaralan ngayong darating na pasukan.  


Kasama sa pinagtuonan ng pansin at masusing pinag-usapan ang mga proyekto, plano at iba’t ibang gawain ng Lokal na Administrasyon para sa maayos na pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.






Ang pagtitiyak sa kahandaan ng bawat eskwelahan sa lungsod ay isa sa mga prayoridad ni Mayor Marcy upang masiguro na matiwasay at maginhawa ang school year 2019-2020 sa mga mag-aaral at magulang.

Share article on: