Mayor Marcy, Tiniyak na Maayos ang mga Bangketa sa Marikina

PIO Department

2020-2-14

Share article on:

Bilang pagtiyak na wasto ang pagpapanatili at pagsasaayos ng mga sidewalk sa Marikina partikular sa Farmer I sa Brgy. Tumana, personal itong pinuntahan ni Mayor Marcy Teodoro noong Miyerkules, Pebrero 12.


Sinamahan ni Mayor Marcy ang mga kawani na nakatalaga sa paglalagay ng mga accent wall tiles sa ilang kalye sa Brgy. Tumana.




Ang mga accent tiles na mayroong iba’t ibang disenyo ay nagsisilbing alternatibo sa paggamit ng pintura. Samantala, ito rin ay nagbibigay ng kaaya-ayang itsura sa mga bakanteng pader sa lungsod.


Noong araw rin iyon ay kinumusta ni Mayor Marcy ang mga may-ari ng tindahan sa Farmers I.



Hinikayat ni Mayor Marcy ang mga ito na ugaliin ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga bangketa, buong lugar na kanilang nasasakupan, at higit lalo ang harapan ng kinatatayuan ng kanilang tindahan. 



Naniniwala si Mayor Marcy na kalakip ng maayos at malinis na lungsod ay ang kasiguraduhan na may mabuting kalusugan at malayo sa sakit ang mga mamamayan.

Share article on: