Mayor Marcy Tuloy-tuloy ang Pamimigay ng Electric at Bldg. Permits

PIO Department

2018-9-11

Share article on:

Nais ni Mayor Marcy Teodoro na bawat bahay sa Marikina ay may sariling linya ng kuryente. Kaya naman tuloy-tuloy lang si Mayor sa pamimigay ng mga electrical at building permits sa City Hall.

Ang pamimigay ng building at electric permits ay isa sa mga unang programang ipinatupad ni Mayor Marcy matapos siyang mahalal bilang Ama ng Lungsod.

Kahapon isang grupo na naman ng mga Marikenyo ang napagkalooban ng naturang mga permits. Bago ibigay ang mga permit sa kanila, sumailalim muna sila sa isang seminar ukol sa programang ito ng City Hall.




Si Mayor Marcy mismo ang nag-abot ng mga permits sa mga benepisyaryo ng programang ito kahapon sa City Hall.

Kung nais ninyong mapabilang sa mga benepisyaryo nito, magsadya lamang sa tanggapan ng Marikina Community Electrification Project na nasa unang palapag ng Marikina City Hall o tumawag sa (02) 646-1629.

Share article on: