Mayor Marcy Tuloy-tuloy ang Pamimigay ng Electric at Bldg. Permits

PIO Department

2019-1-8

Share article on:

Muling namigay ng mga electric at building permits ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro.

Si Mayor Marcy mismo ang nag-abot ng mga electrical at building permits sa mga residente kahapon, Lunes, sa City Hall ng lungsod.

Libu-libong mga kabahayan na sa Marikina ang nakabitan ng kuryente ng Meralco mula ng inumpisahan ni Mayor Marcy ang Marikina Electrification Project (MCEP) na ang hangad ay makabitan ng ilaw ang bawat tahanan sa siyudad.








Bago pagkalooban ng  mga permits ang mga residente, sila ay kailangang sumailalim sa seminar upang malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa kaayosan ng kani-kanilang mga komunidad. Ang seminar at pamimigay ng mga permits ay ginagawa tuwing Lunes sa City Hall mismo.

Sa naturang seminar, binibigyan din sila ng fire safety tips ng Bureau of Fire Protection. Ang Meralco naman ay binibigyan sila ng tips kung paano ang tamang paraan ng pagkabit ng kuryente at pagsigurong ligtas ito. Samantalang ang Marikina Settlement Office naman ay binibigyan sila ng mga kaalaman tungkol sa pagpapaganda ng paligid, tamang pagtapon ng basura at binibilinan silang palaging siguruhin na ang mga puno at halaman ay hindi nakakasagabal sa mga kawad ng kuryente.

Share article on: