Mga CCTV Cameras sa Marikina Sinisigurong Laging Gumagana

PIO Department

2018-10-8

Share article on:

Para masigurong hindi pumapalya ang mga CCTV cameras sa Lungsod ng Marikina, regular na sumasailalim ang mga ito sa maintenance works mula sa mga kamay ng mga dalubhasang kawani ng City Hall.


Ang mga CCTV cameras ay isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa lungsod. Sa pamamagitan ng mga CCTV, madaling mareresolba ang anumang krimen at aksidenteng mangyayari sa mga daan at iba pang lugar sa siyudad. Ang mga CCTV ay epektibo ring instrumento upang magdalawang-isip gumawa ng labag sa batas ang mga masasamang elemento ng lipunan.







Share article on: