Mga Civic Groups Nagpadala ng Tulong sa Marikina

PIO Department

2018-8-14

Share article on:

Maliban sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), may mga civic groups at individuals din na nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong si Karding sa Marikina City.

Kabilang na rito ang Indian National Community ng Marikina at ang Sikh Temple na matatagpuan din sa naturang siyudad. Ang grupo ay nagdala ng mga pagkain, kumot, face towels, toiletries tulad ng sabon, toothbrush, toothpaste, at iba pa sa Marikina Sports Center, kung saan ni-re-repack ang mga ito para ipamahagi sa mga evacuation centers at mga komunidad na nasalanta ng bagyo .

“Pumunta kami kahapon (Linggo) kay Mayor Marcy (Teodoro) upang malaman kung ano ang mga kailangan dito. Kasi baka bibili kami ay meron nap ala. Magdodoble na.  Kanina binigyan kami ng list mga kailangan tulad ng toothpastes, face towels, sabon, tootbrush,” ayon kay Ranjeet Singh Dhaliwal, isa sa miyembro ng grupo na naghatid ng tulong sa sports center kahapon.


Ayon kay Ranjeet, aktibo ang kanilang simbahan sa pagtulong sa mga nangangailangan katulad ng mga nasalanta ng bagyo dito sa Marikina. Noong Linggo, nagluto ang kanilag simbahan ng mga pagkain at pinamahagi ito sa mga evacuation centers.

Bukod dito, meron din silang mga medical at dental missions sa Marikina. Namigay rin sila kamakailan ng mga libreng eyeglasses sa mga mahihirap na Marikenyo.


Share article on: