Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang “WILD” sa Tag-ulan

PIO Department

2018-8-8

Share article on:

Ngayong panahon ng tag-ulan, laganap na naman ang mga sakit lalo na ang mga Waterborne diseases katulad ng Influenza, Leptospirosis, at Dengue o ang pinaiksing WILD.

Ang WILD ay karaniwang lumalabas kapag malamig ang panahon at mahina ang resistensya ng mga tao.

Upang maiwasan ang mga ito, pinapayuhan ni Dr. Alberto Herrera, City Health Officer ng Marikina, na uminom ng maraming tubig at fresh juice, at kumain ng masusustansyang pagkain ang mga Marikenyo upang mas lumakas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit tulad nga ng WILD na laganap tuwing tag-ulan.







 

Ganoon din, pinapayuhan din ang lahat na uminom ng multivitamins upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. May libreng multivitamins na pinapamigay sa mga health center na matatagpuan sa buong lungsod ng Marikina kung kaya’t inaanyayahan ni Dr. Herrera ang mga tao na bumisita sa pinakamalapit na health center sa kanilang barangay.

Dagdag ni Dr. Herrera, kung may nararamdamang sakit o sintomas ng alinman sa WILD diseases, magpacheck-up agad sa pinakamalapit na health center upang maagapan agad ang mga ito at mabigyan ng kaukulang lunas.






 

Sabi nga sa isang kataga, “prevention is better than cure.” Ito ang nais iparating ni Dr. Herrera sa bawat Marikenyo upang magampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa pamilya, bayan, at sarili.

Share article on: