Mga Dayo Tampok sa Rehiyon-Rehiyon Festival Ngayon Taon

PIO Department

2019-12-10

Share article on:

Tinatayang 17,000 katao ang dumagsa sa taunang pagdiriwang ng Rehiyon-Rehiyon Festival sa Marikina noong Linggo, Disyembre 8, na ginanap sa Marikina Sports Center.


Sinimulan ng makulay na parada at street dances sa piling lansangan sa Marikina na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa pampubliko paaralan sa lungsod at sa unang pagkakataon kabilang na rin ang mga estudyante sa mga pribadong paaralan, mga empleyado sa iba’t ibang sektor ng lokal na pamahalaan at ng mga pribadong establisyimento sa Marikina.










Suot ang mga makukulay na traditional costumes na nagpapakilala ng kultura ng ilang rehiyon sa Pilipinas kabilang na rito ang Bangus Festival ng Pangasinan, Sinulog Festival ng Cebu, Ati-Atihan ng Aklan, Kadayawan Festival ng Davao, at iba pa. 












“Tayo sa Marikina, isang maunlad na lungsod, ay dapat magdiwang bilang isang komunidad na kilala na may disiplina, may mabuting ugali, at may pagpapahalaga sa pamilya,” sabi ni Mayor Marcy Teodoro sa kanyang talumpati.


Ang Rehiyon-Rehiyon festival ngayon ay pagdiriwang ng pagkapantay-pantay at pagkakaisa na binigbikis ng kultura, iisang damdamin at isipan.  




Naniniwala si Mayor Marcy na isa ka man mag-aaral, nagtatrabaho o negosyante sa Marikina, basta ikaw ay disiplinado at may mabuting asal, matuturing kang isang Marikenyo. Dagdag pa ni Mayor Marcy na ang pinaka sentro ng lahat ay ang pagmamahal para sa Bayan ng Marikina at ang pakikibahagi ng mga tao sa kwento nito.


Sa pagdiriwang ng Rehiyon-Rehiyon Festival ngayon taon, binigyang halaga ni Mayor Marcy ang mga dayo na piniling manalagi sa lungsod na siyang bumubuo sa halos 70 porsiyento ng kabuuan bilang ng mga residente sa Marikina. 


Kabilang sa dayuhang delegado na nakiisa sa pagdiriwang ng cityhood anniversary ay si Mayor Masahiro Sashimoto mula sa Sakai Town, Japan na sister city ng Marikina.






Pinuri ni Mayor Masahiro ang Marikina sa pagpapahalaga nito ng pamilya at kumunidad. Sinabi pa nito mismo na siya ay taga-Marikina na ikinalugod ng mga manonood.


Sa pagkakataon din ito, binigay ni Mayor Masahiro ng kuwintas si Mayor Marcy na ibinigay mismo sakanya ni Pope Francis. Ipinakita rin niya ang suot na sapatos na gawa sa Marikina. 


Ang Marikina na tinaguriang Shoe Capital of the Philippines ay nakilala rin bilang isang lungsod na may maayos na mga ordinansa at disiplinadong mga residente.

Share article on: