Mga Eskinita sa Marikina Aayusin; Street Names Gagawing Reflectrorized

PIO Department

2018-8-3

Share article on:

Para tiyaking maayos at ligtas ang daraanan ng mga Marikenyo, uumpisahan ng ayusin 49 na mga eskinita o alleys sa lungsod, alinsunod sa nais ni Mayor Marcy Teodoro na maging  kaaya-aya ang kapaligiran ng Marikina.

Kabilang sa mga eskinitang aayusin ay matatagpuan sa Alfonso Ching Home Owners Association (HOA) sa Apitong St., Brgy. Marikina Heights at 13 pang HOAs sa naturang barangay; 27 na HOAs sa Brgy. Marikina Heights; at 8 HOAs naman sa Brgy. Nangka.




Samantala, upang lalong tumingkad ang kaayosan ng siyudad, nag-deploy naman ang Traffic Engineering Unit o TEU ng mga kawani nito upang magpunas ng mga signage at street names sa buong siyudad. Ginagawa ito dahil hindi pwedeng mapinturahan ang mga signage at street names dahil sa madalas na pag-ulan at pag-ambon.


Plano ng City Hall sa mga darating na buwan na lahat ng street names sa Marikina ay papalitan ng mas malaki at reflectorized upang madaling makita at mabasa.

Share article on: