Mga Kalsada sa Provident Village Patuloy na Inaayos

PIO Department

2019-2-8

Share article on:

Patuloy si Mayor Marcy Teodoro sa pagpapakita sa bawat Marikenyo na mayroong gobyernong maaasahan sa lungsod. Kabilang dito ang pagkukumpuni sa mga kurbada at gutter sa kahabaan ng St. Mary Ave. sa Provident Village.




Sinimulan ng mga tauhan ng City Hall noong pagpasok ng taong 2019 ang pagsasaayos sa mga kalsada sa loob ng Provident Village upang magbigay ng kaginhawaan sa mga residente dito.



Ang mga road improvement na ito ay inaasahang makakatulong na maiwasan ang mga aksidente at mapanatiling ligtas sa kapamahakan ang mga mamamayan partikular sa mga naglalakad rito.

Share article on: