Mga Kawani ng City Hall, Agad na Nilinis ang Marikina

PIO Department

2018-8-14

Share article on:

Walang oras na sinasayang ang mag kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina. Upang mapanatili ang kalinisan ng ating lungsod, nag-mobilize agad ng heavy equipment at tauhan si Mayor Marcy Teodoro kahapon upang linisin ang mga kalyeng nabalot ng makapal na putik at basura dulot ng mga nakaraang pagbahang nagtagal ng halos dalawang araw.

 

Binaha ang ibang bahagi ng Marikina dahil sa bagyong si Karding na nagpalala sa pag-ulang dulot ng habagat. Dahil sa walang humpay na pag-ulan, tumaas lagpas sa 20 meters ang tubig sa Marikina River noong Sabado ng gabi.

Share article on: