Mga Kawani ng City Hall, Nagsagawa ng Clearing Operations sa Lungsod

PIO Department

2019-3-12

Share article on:

Ang pagpapanatili ng kaayusan sa buong lungsod ay isa sa mga mandato ni Mayor Marcy Teodoro simula ng siya ay maupo bilang Ama ng Lungsod ng Marikina halos tatlong taon na ang nakalipas.


Bilang patunay na sa Marikina ay may gobyernong maaasahan, ang mga kawani ng City Hall ay tuloy-tuloy sa isinasagawang clearing operations sa lungsod partikular sa Balubad sa Brgy. Nangka.


Mahigpit na ipinapatupad ng Lokal ng Pamahalaan ng Marikina ang pagbabawal sa mga sasakyan na pumarada sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng pagsisikip sa daan. Kaya naman isa-isang sinita ng mga tauhan ng City Hall ang mga may-ari ng mga sasakyan na lumabag sa kautusang ito. Kabilang na rin sa mga sinita ay ang mga motoristang walang suot na helmet.






Samantala, pinagbabaklas naman ang mga nakalawit na tarpaulin o tolda at pinaalis ang mga paninda at iba pang mga nakasagabal na sumasakop sa bangketa.






Ang mga clearing operations na ito ay regular na ginagawa sa buong lungsod ng Marikina upang siguruhin na mabibigyan ng ligtas na lakaran ang mga residente, maging maluwag ang kalsada para sa mga motorista at makaiwas ang mga ito sa aksidente dulot ng hindi pagsusuot ng helmet.

Share article on: