Mga Kawani ng City Hall Tuloy-tuloy sa Paglilinis ng Lungsod

PIO Department

2018-9-7

Share article on:

Sa Marikina, hindi lang ang mga daan, tulay, ilog ang pinapanatiling malinis at maayos kundi ang mga puno at halaman din.

Kahapon ay matiyagang naglinis at nag-trim ng mga puno at halaman ang mga kawani ng Pamalaang Lungsod ng Marikina upang mapanatiling ligtas at maaliwalas ang siyudad. Kabilang sa mga ginupitan ng mga sanga at dahon ay ang mga puno’t halaman sa tabing daan ng Third St. sa Claire Subdivision sa Brgy. Concepcion Uno.


Ang pagpuputol ng mga sanga at dahon ng mga puno at halaman ay regular na ginagawa upang maiwasan ang mga aksidente lalo na kung may malakas na bagyo, at upang hindi na makahambalang ang mga ito sa mga linya ng kuryente na maaring pagsimulan ng power interruption.

Sa mga Marikenyong may ipapaputol na mga puno na malapit ng mabuwal o ipapa-trim na mga halaman at puno na nakakasagabal sa linya ng kuryente, tumawag lamang sa Parks and Development Office sa numero bilang (02) 948-1204 hanggang 05 o magbigay ng message sa Facebook page ng Marikina PIO -- https://www.facebook.com/MarikinaPIO/

Share article on: