Mga Lumang Pader sa Cepeda Pinagiba ni Mayor Marcy

PIO Department

2018-10-15

by Famela Dahonog

Share article on:

Isang abandonadong estruktura sa kanto ng Cepeda at E. Manalo Sts. sa Brgy. Concepcion Uno ang pinagiba ni Mayor Marcy Teodoro.

 

Bukod sa madumi at nangangamoy ang paligid nito, puno rin ang mga pader ng vandals.

 

Napagkasunduan ng mga opisyal ng City Hall at ng may-ari ng nasabing property na gibain ang mga lumang pader at linisin ang paligid nito.






Prayoridad ni Mayor Marcy at ng buong Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang kaligtasan ng bawat Marikenyo. Ang inisyatibong ito ni Mayor Marcy ay parte ng kanyang layunin na labanan ang vandalism sa lungsod. Sa pamamagitan din nang paglilinis sa mga lugar na ito, maiiwasan ang paglaganap ng dengue. Makakatulong rin ito na mapigilan ang mga masasamang loob na gawin lungga ang mga bakanteng lugar katulad nito.

Share article on: