Mga Multi-Purpose Buildings, Uumpisahan Na ang Paggawa

PIO Department

2018-10-1

by Famela Dahonog

Share article on:

Ang Munisipyo ng Marikina sa ilalim ni Mayor Marcy Teodoro ay magpapatayo ng mga multi-purpose buildings. Isa sa mga lokasyon nito ay sa Champaca II sa Barangay Fortune at ang isa naman ay sa St. Claire 3 Subdivision sa Barangay Concepcion Uno.



Kabilang din sa proyekto ng lungsod ang karagdagang palapag para sa multi-purpose building ng Police Village Homeowners’ Association (HOA), Park 22 sa kalye ng General Ordoñez, Barangay Concepcion Uno.



Ang mga proyektong ito ay naglalayong magkaroon ng isang lugar para sa mga activities ng homeowners’ association gaya ng pagtitipon, pagdaraos ng kaarawan at lamay.


Ito rin ay magsisilbing evacuation centers para sa mga pamilyang apektado ng bagyo o anumang sakuna.

Share article on: