Mga Murang Produkto Mabibili sa Marikina sa Ilalim ng Programa ng DTI

PIO Department

2018-10-3

Share article on:

Inilunsad ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 3, ang programa ng Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya ng gobyerno na tinawag na “Tulong sa Bayan Suking Outlet” sa Marikina City. Ang mga rolling stores na ito ay magbebenta ng mga produkto tulad ng bigas at gulay sa mas murang halaga sa loob ng tatlong araw dito sa lungsod.

Ang mga suking tindahan outlets ay matatagpuan sa Brgy. Sto. Niño Covered Court at Marikina Heights Covered Court. Bukas ang mga nasabing tindahan mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon mula ngayong araw hanggang Biyernes, Oktubre 5.

Kabilang sa mabibili rito ay ang NFA rice sa halagang P27 bawat kilo, mga gulay, manok, itlog, de lata at marami pang iba.

Layunin ng programang ito ng DTI, Department of Agriculture, National Food Authority at ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina na matulungan ang ating mga kababayan na mapunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na ang pagkain, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.


Ang mga rolling stores na ito ay binuksan din sa iba’t-ibang lugar tulad ng Quezon City, Mandaluyong, Las Pinas at iba pa.

Share article on: