Mga Paalala Para sa Year-end Concert at Fireworks Display sa Lunes

PIO Department

2019-12-27

Share article on:

Ang Marikina Public Information Office (PIO) ay naglabas ng mga paalala kaugnay ng gaganapin na year-end concert at fireworks display sa Lunes, Disyembre 30 sa Marikina Sports Center sa ganap na 7:00 ng gabi.


Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at hassle-free na selebrasyon, mahigpit na pinagbabawal ang pagdadala ng mga sumusunod na bagay:


  • disposable bottled water;

  • bottled soda at energy;

  • anumang inumin na nakalalasing;

  • payong;

  • cap o sumbrero

  • anumang matutulis na bagay;

  • malalaking bag;

  • sigarilyo, lighter, vape o e-cigarette; at

  • buckled belts


Hindi papapasukin sa lugar ang mga lasing o nakainom ng alak at may dalang hayop. Pinapaalalahanan rin ang mga buntis at mga bata na huwag makipagsiksikan.




Hangad ni Mayor Marcy Teodoro at ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na maipakita ng bawat Marikenyo ang disiplina at pakikipagkapwa-tao para sa mapayapa, masaya at ligtas na pagdiriwang ng pagtatapos ng taong 2019.


Ang year-end concert at fireworks display ay dadaluhan ng mga sikat na OPM artists tulad ng December Avenue, This Band, at IV of Spades. 


Ito ay libre at bukas sa publiko kaya naman inaanyayahan ang lahat na mapayapang makisaya sa pagdiriwang na handog ng Lokal na Pamahalaan.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng Marikina PIO sa https://www.facebook.com/MarikinaPIO/

Share article on: