Mga Signages ng Street Names sa Marikina Pinapalitan Na

PIO Department

2018-9-28

Share article on:

Halos nangalahati na ang City Hall sa target nitong pagpapalit ng mga signages kung saan nakasulat ang mga street names sa buong Lungsod ng Marikina.

Ipinapakabit ni Mayor Marcy Teodoro ang mga bagong signages ng street names na may mas malalaking letra at mas madaling makita upang hindi maligaw ang mga mamamayan at mga motorista.

Ang target ng City Hall ay palitan at maikabit ang 4,634 ang street signages. Mula kahapon, may 1,789 na ang naikabit or 39 percent na accomplishment.

Magpapatuloy ang Lokal na Pamalaan ng Marikina sa pagpapalit ng mga street signages hanggang matapos ang taong 2018.

Ang paglalagay ng mga bagong signages ay mahalaga dahil:

- Madaling matutunton ang address o lugar na hinahanap ng sinuman;

- Madaling maide-deliver ng mga online sellers at iba pa ang mga ipinapahatid sa mga bahay sa buong lungsod; at,

- Kapag nagmamaneho ka ng sasakayan, hindi ka na lalampas sa iyong patutunguhan at iikot pa ulit. Madaling makita ang pupuntahan kahit gabi.

Share article on: