Mga Sirang Bakod sa Marikina, Matiyagang Inaayos ng City Hall

PIO Department

2018-10-12

Share article on:

Sa Lungsod ng Marikina, ang mga sirang bakod ay hindi basta pinababayaan lamang. Sa halip, matiyagang inaayos ang mga ito ng mga kawani ng City Hall.

Katulad kahapon, inayos ang mga bakod sa Olandes sa Barangay Industrial Valley Complex (IVC) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga naninirahan rito. Sa pamamagitan ng mga bakod na ito, mapipigilang bumaba mula sa mga sasakyan ang mga mamamayan, lalo na ng mga bata sa C5 Extension na maaaring pagmulan ng aksidente.


Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro, lahat ng mga pwedeng gawin ay gagawin niya at ng mga kawani ng City Hall upang masiguro lamang ang kaligtasan ng mga Marikenyo. 

Share article on: