Mosaic Art Display Bagong Atraksyon sa Marikina

PIO Department

2019-12-17

Share article on:

Walong araw na lamang, pasko na at wala ng iba pang mas gaganda na makita ang isang syudad na nagliliwanag sa saya. 


Kahapon, Disyembre 16, pinangunahan ni Mayor Marcy Teodoro ang pagbubukas at pag-iilaw ng “Mosaic Art” display sa Marikina River Park. Kasama ni Mayor Marcy ang iba pang mga opisyal ng lungsod at mga kapitan mula sa 16 na barangay. 



“Mapalad ang taga-Marikina, mayroon pa tayong ganitong likas na yaman. Mayroon tayong lugar pasyalan na hindi artipisyal. Kaya’t atin pang pangalangaan, pagyamanin at mas lalong paunlarin,” sabi ni Mayor Marcy.



Ang mosaic ay isang uri ng sining kung saan gumagamit ng mga maliliit na piraso mula sa iba’t ibang materyales at ipinagkakabit-kabit ang mga ito upang makabuo ng isang imahe.







Matapos ang maikising pagbati sa lahat ng nagsumikap upang mabuo ang mosaic art display, agad na pinailawan ni Mayor Marcy ang kahabaan ng Marikina River Park para masilayan ng mga tao ang naturang atraksyon.


Makulay at picture-worthy ang iba’t ibang disenyo na may tema patungkol sa kalikasan ang makikita sa Christmas display ng Marikina.  






Sa pamamagitan ng mosaic art display na ito, naipapakita ng bawat barangay ang kanilang pagiging malikhain, pagkakaisa at pagtutulungan.


Ang Marikina na kilala bilang Shoe Capital of the Philippines, ay unti-unti rin nakikilala sa iba’t ibang gawaing itinatampok sa lungsod tulad na lamang ng Rehiyon-Rehiyon Festival na ipinagdiwang noong nakaraang linggo kung saan pinakita ang mga tradisyunal na costumes at kultura ng ilang rehiyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng street perfomances. 


Layon ni Mayor Marcy na buhayin ang turismo at panatilihin ang kaayusan at kagandahan ng mga lugar pasyalan sa Marikina.

Share article on: