Multa Para sa Maingay na Tambutso, Isinusulong sa Marikina

PIO Department

2019-3-8

Share article on:

Mariing ipinapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro ang kaayusan sa buong lungsod.


Kabilang na rito ang mahigpit na pagpapatupad ng City Ordinance 133 Section 99 o ang Noise Pollutive Muffler series of 2006 na naglalayong ipagbawal ang maingay na tambutso ng mga sasakyan at patawan ang mga motoristang lalabag dito.




Ang ordinansang ito ay binuo upang mabawasan ang ingay sa lungsod dulot ng maiingay na tambutso na nakakabulahaw sa mga residente at posible ring pagmulan ng aksidente.


Ang mga motoristang lalabag dito ay mapapatawan ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng isang libong piso (P1,000).




Samantala, ang mga empleyado ng Office of Public Safety and Security (OPSS) ay palagian nagsasagawa ng inspeksyon ukol dito sa mga motorsiklo at pampasadang jeepney sa lungsod.

Share article on: