“Munting Basura, Ibulsa Muna” Inilunsad sa mga Grade Schoolers

PIO Department

2019-2-1

Share article on:

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng programang “Munting Basura, Ibulsa Muna” sa mga high school ng lungsod, inikot naman ni Mayor Marcy Teodoro ang iba’t-ibang elementary schools upang ipakilala ang naturang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina.

Inilunsad kahapon ang kampanyang ito na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lungsod sa Concepcion Integrated School (CIS) Elementary School, Hermogenes Bautista Elementary School, Parang Elementary School, Concepcion Elementary School, St. Mary Elementary School at Nangka Elementary School.




Katulad sa mga estudyante ng high school, tinuruan din ang mga grade schoolers ng kanta tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at ang kalakip na sayaw nito. Kasama ni Mayor Marcy sa pag-iikot ang mga mascots na sina Marty at Marky.


Namigay rin ng mga biscuits sa mga grade schoolers sina Mayor Marcy kasama ang iba pang opisyal ng lungsod tulad ni Konsehal Donn Carlo Favis, dating Vice Mayor Marion Andres at mga kawani ng City Hall. Matapos kainin ang biscuits ay sabay-sabay nilang ibinulsa muna ang balot o wraapper ng mga ito upang itapon mamaya sa basurahan sa eskwelahan o kaya naman sa kanilang bahay.


Pagkatapos ng programa ay namigay sina Mayor Marcy ng mga libreng uniporme para sa Physical Education (PE) sa mga grade schoolers.



Nitong mga nakaraang araw ay inikot ni Mayor ang mga high school ng lungsod para ilunsad ang kampanyang ito. Namigay rin siya ng mga school bags sa mga high school students matapos ang paglulunsad ng "Munting Basura, Ibulsa Muna" na kampanya.

Ang mga mataas na paaralang ito ay ang Marikina Science High School, Kalumpang National High School, Tañong High School, Barangka High School, Fortune High School, Marikina High School, CIS High School, San Roque High School, Malanday National High School, Santa Elena High School, Sto. Niño High School, Nangka High School at Parang High School.

Share article on: