Nasa Puso ni Mayor Marcy ang Paglingkuran ang Mamamayang Marikenyo

PIO Department

2018-9-3

Share article on:

Likas na sa Ama ng Lungsod na si Mayor Marcy Teodoro ang pagiging matulungin sa kapwa, lalo na sa mga kababayang Marikenyo.

Nitong mga nakaraang araw, kahit abala sa mga gawain sa City Hall, muling pinatunayan ni Mayor Marcy na walang pinipiling lugar at oras upang mapaglingkuran ang mga mamamayang Marikenyo kahit sa mumunting paraan lamang.

Habang nag-iikot ng siyudad noong Sabado upang makita ng personal ang mga suliranin ng bayan at upang makausap na rin ang  mga kababayan, bumaba si Mayor Marcy mula sa sasakyan sa kanto ng Katipunan at Rainbow Sts. sa Brgy. Concepcion Dos upang bumili ng balot at ipamahagi ito sa mga tricyle drivers at iba pang mga kababayang naroroon.


Likas na kay Mayor ang ganitong mga gawain at saksi ang mga kawani ng City Hall na araw-araw niyang kasama sa pagsisilbi sa bayan na normal at natural lamang sa itinuturing na Ama ng Lungsod ang maging mabait at maalalahanin sa kaniyang mga kababayan.

Noong araw ding iyon ng Sabado ay bumaba rin mula sa kaniyang sasakyan si Mayor upang bumili ng mga prutas sa Sable St. sa Concepcion Dos upang ipamigay ito sa ilang mga kababayang naninirahan sa lugar na iyon.


Sa Marikina Heights naman noong nakaraang linggo ay namahagi naman si Mayor ng mga meryenda tulad ng biscuits na binili niya mula sa isang tindahan doon.



Ika nga ng mga taga-City Hall, gusto ni Mayor Marcy na laging happy ang lahat. Kaya kahit sa mumunting paraan ay gusto niyang mapasaya ang mga Marikenyo dahil  nasa puso ni Mayor Marcy ang paglingkuran ang mamamayang Marikenyo.

Share article on: