Netizens Excited na sa Pagbubukas ng mas Magandang Freedom Park

PIO Department

2018-7-11

Share article on:

Malapit ng buksan ang mas pinagandang Freedom Park ilang buwan matapos itong isara upang ipaayos at bigyan ng bago at mas modernong disenyo.

Pansamantalang isinara ang parke noong Enero sa taong kasalukuyan. Ito ang unang pagkakataon na napaganda at parek sa loob ng 25 na taon.

Kabilang sa ginagawa sa Freedom Park ay ang roadside improvement, roadside and drainage improvement. Pinalitan din ang lumang concrete blocks ng mas maganda, makulay at may disenyong stampcrete (stamped concrete).

Sa Facebook page ng PIO ng Marikina, inulan ng papuri ng mga netizens ang mga larawan ng bagong gawang Freedom Park. Isa na rito si FV Ca na sumulat nito sa comment section: “Wow ang ganda. Nakaka-excite at mukhang magandang umawra ng selfie..selfie.”

May isa namang nagpasalamat kay Mayor Marcy Teodoro: “Wow! Ang ganda na. Maganda ng lakaran doon. Thanks Mayor Marcy!”

“Instagrammable,” ang maikling komento naman ni Ma. Elena Caragay Bartolome.





Ang Freedom Park na nasa harap ng Marikina City Hall ay itinayo bilang paggunita at pagbibigay pugay sa mga bayani at beterano ng World War II na lumaban sa Japanese army sa Bataan at Corregidor.

Paboritong tambayan ang Freedom Park ng mga bata at matanda, , lalung-lalo na ng mga estudyante tuwing tapos an ang kanilang klase.

Sa Freedom Park din dinaraos ang mahahalagang events sa Lungsod ng Marikina tulad ng shoe bazaar na ginaganap tuwing Nobyembre at Disyembre bilang parte ng selebrayson ng Sapatos Festival. Dito rin dinaraos ang Flower Festival na ginaganap naman tuwing undas upang bigyan ng pagkakataon ang mga Marikenyo na makabili ng bulaklak at kandila para ialay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang pagpapaganda ng Freedom Park ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Marcy na naglalayong lalong maging kaaya-ayang tirhan at pasyalan ang Lungsod ng Marikina.

Kaugnay nito, ginagawa na rin ang Marikina Heights Multi-purpose Gym. Nilalagyan ito ng louver at pinintahan upang lalong maging maaliwalas sa mata.


Maliban sa Marikina Heights Gym, mayroon pang 45 multi-purpose gym sa siyudad ang aayusin, salamat sa masigasig na Ama ng Lungsod.

Share article on: