Oplan: Huli Bulakbol ng Marikina, Simula Na

PIO Department

2019-7-10

Share article on:

Nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa panguguna ni Mayor Marcy Teodoro sa mga pasaway na mag-aaral mapa-pribado o publiko man na paaralan.


Ang pagliban sa klase ng walang paalam at pagka-cutting classes ng mga estudyante ay tinuturing na isa sa mga pangunahing suliranin at sakit ng ulo ng hindi lamang mga titser at punongguro pati na rin ng mga magulang. Kaya naman pinatupad ni Mayor Marcy ang pagsulong sa Oplan: Huli Bulakbol na ang layunin ay bigyan ng solusyon ang suliraning ito.




Bilang tugon, mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng City Hall ang mga paaralan upang mailayo ang mga mag-aaral sa mga maling impluwensya o bisyo at masigurong sila ay pumapasok sa tamang oras at nasa kani-kanilang klase.


Ilan sa kadalasan na pinupuntahan at tinatambayan hindi umano ng mga estudyante ay mall, mga computer shop, iba’t ibang uri ng tambayan at maging mga pasugalan.


Ang Oplan: Huli Bulakbol ay isa lamang sa mga hakbangin para ipakita at iparanas sa mga Marikenyo kung gaano ka seryoso at determinado ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pagbibigay ng kalidad at maaasahang serbisyong pampubliko.


Para sa mga nais mag-report ng insidente ng pagbubulakbol, tumawag lamang sa numero ng Marikina Rescue 161 o magpadala ng mensahe sa aming Facebook page.

Share article on: