OPSS Masugid sa Kampanya Laban sa Maingay na Tambutso

PIO Department

2019-2-8

Share article on:

Mariing ipinapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro ang kaayusan sa buong Marikina. Kaya naman abala ang mga empleyado ng Office of Public Safety and Security (OPSS) na maipatupad ang kampanya laban sa mga maiingay na tambutso ng mga sasakyan sa lansangan na nakakadagdag ng ingay sa lungsod.


Buong araw ang isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng OPSS sa mga motorsiklo at pampasadang jeepney.  Gumamit ang mga taga-OPSS ng decibel meter upang masuri ng mabuti ang lakas ng ingay na ibinubuga ng kanilang mga sasakyan.








Ang Marikina City ay isa sa mga lungsod sa Metro Manila na mahigpit na ipinapatupad ang ordinansa laban sa maiingay na tambutso.

Share article on: