Pag-aayos ng mga Kalye sa Marikina, Tuloy-tuloy Lang

PIO Department

2019-3-1

Share article on:

Bilang Ama ng Lungsod ng Marikina, sinisiguro ni Mayor Marcy Teodoro na maayos ang mga kalyeng dinadaanan ng mga Marikenyo.

Kabilang sa mga kasalukuyang proyekto ni Mayor Marcy ay ang pag-aayos ng mga kalsada sa  Brgy. Sto. Niño, Brgy. Nangka at sa San Roque National High School.

Noong huling napadaan si Mayor Marcy sa lugar na ito, napansin niya kung gaano kaalikabok sa lugar na ito na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit ng mga estudyante at iba pang mga dumaraan dito. Kaya naman imbis na sementado lamang ang mga kalsada ay pinalagyan din ito ng mga paver blocks na makakatulong na sumipsip ng tubig tuwing tag-ulan at maiwasan ang pagbaha.

Mahalaga na mapaayos ang mga ito para maiwasan ang pagkakasakit ng mga mag-aaral dulot ng maalikabok na kapaligiran at ang aksidente mula sa mga baku-bakong daan.


Maliban dito, inaayos din ang mga tabing kalsada sa Barangay Nangka.

Pinasemento ni Mayor Marcy ang lugar mula sa Nangka National High School papuntang Twinville Subd. para ito ay malakaran ng maayos at hindi maging maputik.

Pinagbabawal din ang pagparada ng mga sasakyan sa gilid ng  mga kalye o sidewalk. Naniniwala si Mayor Marcy na ang sidewalk ay para sa mga taong dumaraan at hindi para gawing paradahan ng mga sasakyan o kaya ay gawing tambakan ng mga basura.


Share article on: