Pag-abot sa Pangangailangan ng mga Marikenyo, Mas Pinabilis

PIO Department

2019-6-6

Share article on:

Mas pinalapit ni Mayor Marcy Teodoro ang pagtugon sa pangangailangan ng mga Marikenyo.

 

Sa pamamagitan ng opisyal na website ng Marikina at lehitimong Facebook pages ng lungsod, madali nang makakausap ng mga netizens ang mga tauhan ng pamahalaang lungsod.



 

Ang opisyal na website ng lungsod ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kasaysayan, demograpiya, turismo, negosyo, iba’t ibang aktibidad sa lungsod at programa ng Lokal na Pamahalaan.

 

Maaari rin makita ang kasalukuyang kalagayan ng mga kalsada at antas ng tubig sa Marikina River sa tuwing may bagyo sa pamamagitan ng mga closed circuit television o CCTV cameras na bukas 24/7.

 

Samantala, ang mga residente naman na may nais ipabatid sa mga tauhan ng City Hall at ang mga mahahalagang anunsyo ay naipapadaan din sa opisyal na website at iba pang social media sites sa lungsod katulad ng Marikina PIO at Marikina News.



 

Maliban dito, mayroon din computer software na dinisenyo ang lungsod upang masubaybayan ang pagtupad sa mga kasalukuyang aktibidad at mga tagubilin sa mga tauhan ng City Hall.

 

Sinisikap ni Mayor Marcy at ng Lokal na Pamahalaan na makasabay sa pagbabago ng teknolohiya upang patuloy na makaagapay sa pangangailangan ng bawat Marikenyo at para sa mas epektibong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Lokal na Gobyerno at ng mamamayan.

Share article on: