Paglilinis at Pag-aayos ng Marikina Patuloy Kahit Tag-ulan

PIO Department

2018-6-27

Share article on:

Kahit malakas ang ulan nitong mga nakaraang araw ay patuloy ang Parks Development Office ng City Hall sa paglilinis at pag-aayos ng paligid ng Lungsod ng Marikina upang maging kaaya-aya ito sa paningin at magaaan sa pakiramdam.

Ang mga gawaing ito ay alinsunod sa isa sa mga programa ng pamunuan ni Mayor Marcy Teodoro na gawing maaliwalas, maayos, malinis at ligtas ang buong siyudad ng Marikina. Mula ng maupo si Mayor Marcy bilang Ama ng Lungsod, walang humpay ang mga kawani ng City Hall sa paglilingkod sa mga Marikenyo, pagpapatunay lamang na ang Marikina ay may Gobyernong Maasahan.

Noong Lunes, Hunyo 18, ay abalang-abala ang kawani ng naturang tanggapan sa pagpuputol ng Bougainvillea sa may kanto ng Chanyungco St. at Gil Fernando Ave. upang maiwasang matusok ang mga nagdaraan dito.

Pinutol din  nila ang mga damo at nilinis ang bakanteng lote sa H. Bautista St. sa Concepcion Uno at sa Sto. Nino Elementary School. Pinutol din nila ang mga sanga ng mga puno sa H. Bautista sa Concepcion Uno at maging sa  kanto ng J.P. Laurel at Macapagal Sts. sa Vista Valley.

Para sa isang dog show event, pinutol din nila at nilinis ang isang open space sa Sumulong noong Hunyo 21 – 23.






Ilang lamang iyan sa mga ginagawa at nagawa ng Parks Development Office na nasa ilalim ng pamumuno ni Jun Andres.

Samantala, bilang tugon sa paglalambing kay Mayor Marcy ng mga kabataan sa Zenaida Subdivision sa Concepcion Uno ay inayos naman ng mga kawani ng General Services Office-BGMD ang basketball half court sa naturang lugar. Ang GSO-BGMD ay pinamumunuan naman ni Vice Emil Casais.




(Para sa mga karagdagang impormasyon tungko sa tanggapan ng Parks Development Office at GSO, puntahan ang kani-kanilang Facebook pages: https://www.facebook.com/groups/851883248252463//

https://www.facebook.com/parksoffice )

Share article on: