Pagpapaayos ng Marikina Sports Center, Inumpisahan Na

PIO Department

2018-8-1

Share article on:

Matapos mapaganda ang Freedom Park at mabuksan muli sa publiko nitong Lunes, Hulyo 30, dumako naman ang atensyon ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro sa pagpapaayos ng Marikina Sports Center (MSC).

Itinayo noong 1970’s, itinuturing na isang historical landmark ang MSC kaya naman nararapat na ito ay pag-ukulan ng pansin upang lalo itong mapaganda para magamit ng mga susunod pang henerasyon ng mga Marikenyong mahilig sa sports.

Ang MSC ay may Olympic-size indoor swimming pool, covered gymnasium at basketball court, isang oval grandstand kung saan kasya ang 15,000 katao, at iba pang mga world-class na pasilidad.


Ang MSC ay paboritong pagdausan ng mga sports events at competitions hindi lamang ng mga taga Marikina kundi ng mga taga-ibang lugar sa Pilipinas. Ito rin ay naging venue ng international competitions tulad ng 23rd Southeast Asian Games.

Bukod sa sports, naging saksi rin ang MSC ng iba’t ibang events tulad ng Ka-Angkan Festival, Metro Manila Pride March, 60-year anniversary celebration ng ABS-CBN, Star Struck search at marami pang iba.

Dito rin matatagpuan sa MSC ang tindahan ng mga sapatos at iba pang leather goods na gawa sa Marikina.

Share article on: