Palarong Pambansa sa Marikina Kanselado Na

PIO Department

2020-3-9

Share article on:

Inanunsyo ni Mayor Marcy Teodoro ang pagpapaliban ng Palarong Pambansa kasunod ng pagkumpirma ng unang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod. Ang pagkansela sa taunang palaro ay pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19.


Sa pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Marcy ngayong araw ng Lunes, Marso 9, kasama ang mga guro, mga tauhan ng City Hall, at mga opisyal mula sa Department of Education (DepEd), kinumpirma niya ang kanselasyon ng Palarong Pambansa na naka takdang ganapin sa Marikina sa May 1 hanggang 9. 


Kasabay nito, agad na pinag-utos ni Mayor Marcy ang contact tracing at containment measures at ang posibleng pagpapatupad ng quarantine sa lungsod. Hinabilin din ni Mayor Marcy ang malawakang disinfection sa mga paaralan at mga pampublikong lugar tulad ng palengke, parke, at terminal ng mga sasakyan.


Samantala, suspendido naman ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina simula ngayon araw na posibleng pang magpatuloy sa mga susunod pang araw ayon kay Mayor Marcy.

Share article on: