Paligid ng Bayan Access Road Tinamnan ng mga Puno ng Acacia

PIO Department

2019-2-8

Share article on:

Para kay Mayor Marcy Teodoro, ang mga puno ay nagsisilbing taga-balanse ng urbanisasyon at kalikasan sa kapaligiran.


Madalas din niyang banggitin sa tuwing may pagpapasinaya ng mga bagong gusali sa lungsod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga puno sa paligid sapagkat ito ay nakapagbibigay ng lilim sa mga mamamayang naglalakad sa kalsada. Ito rin ay nakapagbibigay ng maaliwalas at malamig na pakiramdam sa paligid.


Kaya naman sa utos na rin ni Mayor Marcy, patuloy ang mga tauhan ng City Hall sa pagtatanim ng mga puno sa lungsod, kasama na rito ang kahabaan ng Bayan Access Road na tinaniman ng mga puno ng acacia.





Ang gawaing ito ay bahagi ng City-wide Tree Planting Program na pinaiigting sa buong lungsod.   


Share article on: