Pamahalaang Lokal Patuloy sa Pamimigay ng Relief Goods, Paglilinis ng Lungsod

PIO Department

2018-8-20

Share article on:

Patuloy ang Pamalaang Lokal sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo at sa paglilinis ng mga naiwang kalat at putik ni Karding.

Noong nakaraang Biyernes, kasama ni Mayor Marcy ang mga opisyales ng Pamahalaang Lokal tulad ni Konsehal Jojo Banzon at ng mga civic groups tulad ng Philippine Kho Association at Women’s League sa pagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong si Karding. Sila ay namigay ng mga relief goods sa Brgy. Sto. Niño.


Kasama rin ang City Health Office sa pagdalaw ni Mayor Marcy sa Brgy. Sto. Nino at sila ay namigay naman ng mga libreng gamot sa mga residente roon.


Samantala, walang sawa ang mga kawani ng City Hall sa pangunguna ni Mayor Marcy sa paglilinis ng mga kalat at dumi na naiwan ni Karding sa mga lansangan sa lungsod.



Noong Biyernes ay nagkaroon ng flushing operations sa Brgy. Nangka at sa Marikina Rigver, mga lugar na binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ni Karding na nagpalala sa habagat.

Share article on: