Para Mas Ligtas sa Daan, Mga Signages Nilinis ng mga Kawani ng City Hall

PIO Department

2019-2-12

Share article on:

Hindi natitigil ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Marcy Teodoro sa pagbibigay ng serbisyong pampubliko, kabilang na dito ang pagliinis ng mga  signages na nakakabit sa mga poste sa lungsod.




Ang paglilinis ay makakatulong upang madaling makita ang mga ito ng mga motorista at mga mamamayang naglalakad sa daan upang maiwasan ang mga aksidente na dulot ng mga kupas at hindi na mabasang mga paalala na nakasulat sa mga signages.



Ang malinaw na street signages ay makakatulong din upang hindi maligaw ang mga mamamayan at mga motorista.

Share article on: