Pavilion at Libreng Swimming Alay ni Mayor Marcy sa Senior Citizens

PIO Department

2018-7-26

Share article on:

Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Mayor Marcy Teodoro at ng Pamahalaang Lokal ng Marikina sa mga senior citizens ng lungsod.

Dahil dito, isang proyekto na naman  ang ginagawa para sa mga senior citizens ng Marikina – ang OSCA (Office of Senior Citizens Affairs) pavilion sa Marikina Hotel Grounds. Ang pavilion ay mahalaga para may lugar na pagdausan ng mga gawain at okasyon ang OSCA at iba pa sa Marikina.

Pinangako rin ni Mayor Marcy na libre ang mga senior citizens na mag-swimming sa ginagawang swimming pool sa nasabing hotel. Kailangan lang nilang dalhin ang kanilang senior citizen IDs para makapag-swimming ng walang bayad kapag natapos na ang ginagawang swimming pool sa Marikina Hotel.


Mahal na mahal ni Mayor Marcy ang mga senior citizens at ang pagpapagawa ng mga proyekctong ito ay isang paraan upang bumawi ang Lokal na Pamahalaan at ang buong pamayanan ng Marikina sa pagsusumikap ng mga lolo at lola, na karamihan ay itinataguyod hanggang sa ngayon ang kanilang pamilya, kasama na ang kanilang mga apo.



Tuwing birthday nila ay may regalong P1,000 at grocery pack ang mga senior citizens na pwede nilang makuha sa tanggapan ng OSCA sa V. Gomez St., Brgy. San Roque katabi ng Teatro Marikina.

Share article on: