Programa ng Marikina Kontra Droga, Epektibo: Mayor Marcy

PIO Department

2019-1-23

Share article on:

Epektibo ang isinasagawang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina laban sa droga, ayon kay Mayor Marcy Teodoro.

Ang working efficiency ng Marikina Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay binigyan ng markang 85-99 percent ng Department of Interior and Local Government (DILG), ayon sa isinagawang performance audit ng naturang ahensiya ng pamahalaan.

Isa sa pangunahing programa ni Mayor Marcy ay tuluyang masugpo ang paggamit at pagbebenta ng droga sa Marikina na siyang sumisira sa kinabukasan lalo na ng mga kabataan at nagiging sanhi rin ng mga krimen. At base sa DILG, naging matagumpay ang butihing Ama ng Lungsod sa adhikaing ito.


Ang MADAC ay pursigidong isinasagawa ang pagtulong sa mga drug dependents sa lungsod upang makapagbigay ng pag-asa tungo sa pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya. Ilan sa mga aktibidad na ito ay ang pagsasagawa ng community-based rehabilitation at spiritual guidance sessions.

"Pangunahing layunin ng MADAC na mapalaganap ang awareness, prevention, treatment, at rehabilitation ng mga drug dependents sa buong Marikina. Nais nating huwag na sila muling bumalik sa pagamit ng bawal na gamot at muling maging epektibong miyembro ng pamilya at pamayanan,” ayon kay Caloy Guevara, kawani ng MADAC.

Share article on: