Public Safety Center Ipapatayo para mas Ligtas na Marikina

PIO Department

2018-7-26

Share article on:

Upang lalong mapangalagaan ang kaligtasan, seguridad at kapayapaan ng mga mamamayan sa Lungsod ng Marikina, nagpapatayo ang Pamahalaang Lokal sa ilalim ni Mayor Marcy Teodoro ng isang Public Safety Center.

Ang bagong gusali ay matatagpuan sa Bayan-Bayanan Ave. sa Brgy. Concepcion Uno bago dumating sa tanggapan ng Meralco.

Ang Public Safety Center ay mahalaga dahil ito ay itinatayo sa isang strategic na lugar para sa mas maagap at mas mabilis ang pagresponde ng 161 ambulance, pulis at bombero sa mga kababayan nating nakatira sa Concepcion Uno, Concepcion Dos, Marikina Heights at Parang.


Ang kaligtasan ng mga Marikenyo ay isa sa mga prayoridad ng pamunuan ni Mayor Marcy.

Maliban dito, nasa puso rin ni Mayor ang katiwasayan ng kalooban ng mga mamayan kung kaya’t pinapaayos din niya ang mga parke sa lungsod upang mayroong pasyalan ang mga Marikenyo, lalo na iyong may mga problemang pinagdadaanan sa buhay.

Kaugnay nito, malapit ng matapos ang mas pinagandang Freedom Park na malapit sa City Hall. Inumpisahan ang pag-aayos ng parke ngayong taon at ilang tulog na lamang at muli na naman itong ma-e-enjoy ng mga Marikenyo.


Share article on: