Receivers & Liquidators at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-2-11

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong nais magkaroon ng trabaho.


Ang Receivers & Liquidators, NSDMM Management Services Asiawide Human Resources and Consultancy at Dames International ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Lunes hanggang sa Huwebes.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Ngayon Lunes, Pebrero 11, ang Receivers & Liquidators ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Receivers & Liquidators ng telecollector at messenger.



Sa Martes, Pebrero 12, ang NSDMM ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 12:00 hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang NSDMM ng customer service representative.


Sa Miyerkules, Pebrero 13, ang Asiawide Human Resources and Consultancy ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay nurse, sales associate, office staff, promodiser at driver.


Sa Huwebes, Pebrero 14, ang Dames International ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO. Nangangailangan ang Dames International ng accounting staff, purchasing staff, sales representative/associates, human resource/administrative/office assistant, warehouseman/delivery helper at drivers.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: