Reliable Work Force Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-1-10

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Reliable Work Force ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod sa darating na Huwebes, Enero 17.


Naghahanap ang Reliable Work Force ng accounting assistant, marketing assistant, human resources supervisor/assistant, office staff, sales promodiser/associate, beauty advisor at driver.




Ang in-house recruitment ay gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: