Rescue 161 Aktibo sa Disaster Awareness at Nagdaos ng Simulation Drill

PIO Department

2018-8-2

Share article on:

Naging abala kamakailan ang Rescue 161 ng Marikina City sa paglilibot ng mga paaralan sa siyudad upang magbigay kaalaman tungkol sa mga dapat gawin kung may mga emergency tulad ng lindol.

Nagdaos din ng simulation drill ang Rescue 161 sa River Park at Marikina Bridge upang lalong mapagtibay ang kakayahan ng mga rescue responders sa pagsagip ng buhay sa tubig at sa mataas na lugar. Ito ay ginanap noong Martes, Hulyo 31.

Tiniyak ng Rescue 161 na patuloy ang kanilang pagsasanay para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat Marikenyo, lalo na sa panahon ng sakuna at emergency.


Samantala, naglibot sa mga paaralan ng Marikina ang Rescue 161 para sa programa nitong School Caravan: Disaster Awareness upang turuan ang mga mag-aaral at mga guro ng mga dapat gawin sa panahon ng sakuna at emergency.


Ilan sa mga paaralang pinuntahan nila ay ang Concepcion Elementary School, CIS Elementary and High School, Marikina High School, Malanday Elementary and High School, Leodegario Elementary School, Kalumpang Elementary and High School, J. Dela Pena High School, Parang Elementary and High School, Fortune Elementary and High School, St. Mary Elementary School, Nangka Elementary School at ang Marikina Heights High School.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa disaster preparedness at sa Rescue 161 o kung mayroong mga emergency, tumawag lamang sa maga numerong narito:


Share article on: