Road Improvement sa Provident Village, Inumpisahan Na

PIO Department

2019-1-11

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro ay patuloy na  inaayos ang mga daan sa lungsod para sa ikagiginhawa ng mga Marikenyo.

Sinimulan na ng mga tauhan ng City Hall ang pagsasaayos sa pangunahing kalsada sa Provident Village. Magmumula sa A. Bonifacio Ave. at St. Mary Ave. hanggang sa dulo ng kanto ng Riverside Drive ang gagawing road improvement.





Isang dekada na ang nakalipas ng huling inayos ang bahagi ng kalsadang ito. Matatandaan din na isa ang Provident Village sa Marikina na malubhang sinalanta ng bagyong Ondoy mahigit siyam na taon na ang nakakalipas.

Ang pagkukumpuni ng daanan ito ay inaasahang magdudulot ng kaginhawaan sa mga residente ng Provident Village dahil ito ay magiging patag na at hindi na lubak-lubak.

Lalagyan din ang mga bagong kumpuning kalsada ng lane markings na magsisilbing gabay sa mga motorista.

Share article on: